Thursday 15 September 2011

DAMAGE CONTROL

I URGE EVERYBODY -- lalo na kung ikaw ay isang babaeng niloko, may kaibigang niloko, o pinaglaruan o pinagpalit sa kung sinong talipandas -- IF YOU FEEL ME -- DO NOT KILL THIS BLOG.


Ito ay isang babala para sa lahat ng mga babaeng kerengkeng -- totoong nauubos na ang mga lalaki sa Pilipinas sa dami ng nahahawa sa mga kabaklaan -- love ko ang mga bading just to clarify -- PERO -- that doesn't mean na kung babae ka at may lumapit na lalaki sayo ay mangdudumali ka naman na i-boyfriend! ANO BA?!


Sa nangyari sakin... napaka-obvious ng motibo sa kabila ng mga bagay-bagay. Kung mababasa nyo lang ang naging UNANG SULAT ko sa babaeng ito -- kahit sinong babae -- kahit sinong kakilala ko na pinabasahan ko ng sulat -- naawa sa akin at nagsabing, kung ako ang babaeng yan, ako muna ang didistansya. Gusto ko sana ipabasa sa lahat ang unang sulat na yun, pero pakiramdam ko ngayon naghahallucinate lang ako nung sinulat ko yun... dala kasi ng pagkaawa sa sarili, kung anu-ano nilagay ko... kung anu-anong KABAITAN! Dapat pala, inuna ko magresearch kung ano ba talaga ang nangyari at kung ano talaga ang chronology of events para nalaman ko kaagad ang panlolokong ginawa sa akin ng peste kong BF at ng babaeng ito. Para sa tulad ko na nasa malayong lugar, wala kang magagawa 'pag ginanito ka kundi umiyak na lang, walang pamilyang yayakap sa'yo at ang mga naging kaibigan mo naman ay halos hindi ka pa kilala ng lubos para malaman kung paano ka papa-amuhin. Hindi mo rin naman mailabas ang galit mo dahil ayaw mong ilabas sa maling tao o bagay. Kaya yung nangyari sakin habang ginagawa nila ito -- HINDING HINDI NILA MABABAYARAN!


Ngayong nakaisip na ako ng magandang paraan para ipagtanggol ang sarili ko -- di ako nanghihingi ng audience... ang gusto ko lang ngayon -- matandaan ng lahat na merong isang tulad ko -- nagtratrabaho ng maayos sa ibang bansa, bagong bayani ng bayan nga daw diba, walang inaagrabyado, tumutulong sa pamilya, nangangarap na makapag-ipon para makatulong sa future nila ng boyfriend niya -- sabay ganito ang ginawa sa akin. Gusto ko lang ngayon -- na matandaan ng lahat na may mga babae pa ring tulad ng babaeng ito sa mundo -- na walang nagagawang isipin kundi ang sarili nilang kaligayahan kahit may nasasaktan silang iba -- at may mga lalaki pa rin tulad ng nahibang kong BF na nagpapaikot-ikot ng mga babaeng mapagtiwala na tulad ko.


Marami na silang sinubukang gawin pagkatapos nito, naiforward ko na rin kasi yan sa maraming undisclosed recipients. Ang reaction nila:
1. Tinext ako ng "Masaya ka na ba?" Di ako sumagot.
2. Tinext ako ng "Ano ba ang gusto mong mangyari?" Di ako sumagot.
3. Tinatawagan ako. Di ako sumagot.
4. Sinubukang i-hack ang email addresses ko para di ako makapagforward ng email. Di nila nakuha.


Di ko na alam ngayon kung paanong pag-ikot ng pwet ang ginagawa nila para sa DAMAGE CONTROL. Sa totoo lang, yang nakuha kong litrato nilang dalawa na magkasamang nag-dadate  -- yan ay nung mismong period na alam na alam nilang nag-uumiyak ako dito dahil nga natuklasan ko ang closeness nila, at right after na nasulatan ko na rin yung babae na bigyan ako ng konsiderasyon dahil wala akong magawa para sa sarili ko sa layo kong ito. Kung paanong nagawa pa nilang mag-date sa mismong lugar na pinagdausan ko ng birthday ko sa Phils nung una kaming naging magkarelasyon ng BF ko, at kung paanong hindi man lang sila nahiyang dumistansya muna sa isa't isa kahit hayagan ko nang sinabi sa kanila na sumasakit ang puso ko at literal na binabangungot na ako ng mga eksenang magkasama sila -- hindi ko na talaga mapaliwanag, parang di talaga sila kinikilabutan sa mga ginawa nila diba? Ganun ba ang ginagawa ng tunay na pag-ibig sa kapwa? Nakakadismaya naman. Pakiramdam ko na lang ang mga taong nakakagawa ng ganito sa kapwa, walang kaluluwa at hindi takot sa karma. Matay ko mang isipin, kung may kapwa ako babae na nagsabi sa akin na ganun ang pinagdaraanan niya, ako mismo ang gagawa ng paraan para lumayo, hindi na ako magdadalawang isip pa, dahil unang una, ayokong makasakit ng kapwa ko at di ko rin gugustuhin kung palit kami ng posisyon.


Pero, sa kabila ng pagiging mabait ko dati, pagpapatawad, pag-unawa, pagsusumamo, talagang sinagad pa rin nila ang pagbalewala sa akin, palibhasa malakas ang loob dahil dagat dagat ang layo ko at iniisip na di ko sila magagalaw. Mali ang kanilang akala. Ngayon -- kung magalit man ako ng sobra -- di ko kailangang magpaliwanag sa kahit kanino. Kailangan ko ilabas ang sakit na dinulot nila sakin, dahil mga wala silang kwentang tao, kesa naman na ako ang habambuhay magdala ng mga saloobin ko... mabuti na yung baha-bahagi kami sa gulo. :)


Ang post na iyan ang galit ko. Mellow pa nga diba? Wala namang "You mother forking corking sorking iceholes" terms hehehe :) Anger is medicine with an expiration date, sabi nga. Kailangan ko ng medicine na ito para magamot ang sarili ko mula sa mga sakit na dulot ng mga pesteng ito. For sure, pagkauwi ko ng Phils, expired na ang anger, at pagtatawanan ko na lang sila dahil... habambuhay na lang sila mag-dadamage control? Good luck again :)

7 comments:

  1. sis..

    you don't to be angry with the girl...

    sa bf mo ka dapat magalit... or let us say to two of them.. parehas nila ginusto yan eh.. it takes 2 to tango...

    ReplyDelete
  2. bitch naman nung babae sis!
    may tinatawag ngang 3-month rule di ba?

    ReplyDelete
  3. @ Marky - Yes, I had been angry with them both -- and all the anger came out in this blog. Kesa naman magalit ako sa ibang mga tao sa paligid ko or imanifest ko in any other form, ganto na lang, para sa kanila talaga papunta :)

    ReplyDelete
  4. @ Nuelenegallos
    Ay talagang isang maeksenang Bitch yan si Lizel Refamonte! Wala nang kaduda-duda yun! Nasa Generika pa nga siya hanggang ngayon! At nag-aral yan sa University of Makati, ayun masyado ininternalize ang kanyang alma mater -- nuknukan ng kati! Hahahah! Wala rin siya alam sa mga rules rules na yan... kasi nga obsessed na siya, may taning na siguro buhay niya, kailangan na niya magka-jowa NOW NA! Pa'no kasi ang chaka nung boyfriend nyang Pastor bago si Gerome, sabi nga ng mga friends namin ni Gerome, ayan kasi si Gerome na lang natitirang mukhang tao dun sa Generika, at malamang yun lang lumapit-lapit sa kanya na mukhang tao kahit nag-asal hayop ngayong sila na -- ayun kaya gora gora na siya sa pakikirelasyon! Badtrip lang, inalat pa ko, kinausap ko na nga ng matino! Hay nakers, wala na talaga gamot kapag ang kal*bugan ay umabot na sa utak....

    ReplyDelete
  5. oh girl, grabe! i sooo love your blog. it's sweet revenge talaga. pro mas ok kung copy paste nlng ang mga chats para mas nakakainis para s kanila. you ruined their life! hahahaha...

    ReplyDelete
  6. @ Anonymous who posted 11/5/2011
    Thanks! Its not revenge though... its giving them a dose of their own medicine, they used Facebook and emails and chats to hurt me e... well they forgot that there's a thing called a blog that can showcase whatever the hell you've done and links could be posted anywhere... harharhar

    ReplyDelete
  7. Grabe sis! Ngayon lang ako nagbasa ng blog at blog na ganito kahaba. :D I enjoyed reading this. Alam mo for me magandang way ito para mailabas mo talaga ang sama ng loob mo. Well, sila ang gumawa ng baho kaya pangatawanan nila! Keep safe sis and enjoy your life abroad instead of thinking about them. Someone BETTER will come along your way. God Bless! ( : -E.B.

    ReplyDelete